Binaha ang maraming kalsada sa Metro Manila bunsod ng tuloy-tuloy na buhos ng ulan simula pa kaninang madaling araw.
Dahil dito, nakaranas ng matinding daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan ang mga motorista.
Batay sa monitoring ng MMDA, ilan sa mga kalsada na binaha ay sa Maynila, Makati, Mandaluyong at Quezon City.
Kaugnay nito, pinapayuhan ng mmda ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Samantala, naka-antabay na din ang mga tauhan ng MMDA flood control para pangasiwaan ang mga lugar sa kalakhang maynila na posibleng bahain lalo’t inaasahan ang pagbuhos ng ulan sa maghapon.
Kabilang sa binabantayan ng mmda ay Parañaque Merville, Lower Bicutan, sa Osmeña Highway corner Buendia, Makati, maging ang mga malimit na binabaha sa Lungsod ng Maynila, Malabon, at Marikina.