Nilinaw ng pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA na mananatiling bukas sa mga motorista ang lahat ng kalsadang nakapaligid sa paliparan.
Kasunod ito ng pangamba ng maraming motorista sa kasagsagan ng Asia Pacific Economic Cooperation o APEC summit sa ikatlong linggo ng buwang ito.
Una nang inilabas ng Metro Manila Development Authority o MMDA ang listahan ng mga isasarang kalsada sa ilang bahagi ng Metro Manila mula Nobyembre 16 hanggang Nobyembre 20.
Ngunit nakasentro lamang anila ito sa mga lugar na pagdarausan mismo ng pagpupulong tulad ng Roxas Blvd. gayundin sa ilang bahagi ng EDSA.
By Jaymark Dagala