Balik na sa normal ang daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng sa Metro Manila.
Ito’y makaraang buksan na ng Metro Manila Development Authority o MMDA ang mga kalsadang ginamit o isinailalim sa lockdown para sa ASEAN Summit, noong Sabado hanggang Miyerkules.
Inalis na din ng MMDA ang ASEAN lane o mga plastic barrier sa EDSA at Roxas Boulevard mula Balintawak, Quezon City hanggang Taft Avenue Pasay.
Inihayag naman ni DILG OIC Catalino Cuy na tanging sarado lamang ay ang ilang kalsada sa bahagi ng Conrad Hotel malapit sa SM Mall of Asia dahil dito na nananatili si Chinese Premier Li Keqiang.
MMDA, tinatanggal na ang mga orange barrier sa EDSA na ginamit sa ASEAN lane @dwiz882 pic.twitter.com/GmDCK6ruk4
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) November 15, 2017