Nadagdagan pa ang bilang ng mga kalsadang nasira dahil sa walang tigil na pag-ulan sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), umakyat na sa 80% o 12,000 square meters na katumbas ng siyam at kalahating olympic-sized swimming pool ang naitalang mga lubak sa Metro Manila.
Aminado ang DPWH na kailangan ng mas malaking pondo para sa paggamit ng mas matibay na pundasyon upang maiwasan ang madalas na pagkasira ng mga kalsada.
Sinabi ng ahensya na posibleng magtagal ng 10 hanggang 15 taon ang isasagawang proyekto pero nakadepende parin ito sa panahon at sa pagkakagamit.
Iginiit ng DPWH na kanilang pag-aaralan ang naturang proyekto kung saan, isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng lubak sa mga kalsada ang hindi maayos na pagtitimbang sa mga truck na dumadaan sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.