Pinaiimbestigahan ng Department of Agriculture ang lahat ng mga kamalig o warehouse ng NFA o National Food Authority gayundin ng mga pribadong sektor sa buong bansa.
Nais malaman ni Agriculture Secretary Manny Piñol kung may mga itinatago bang suplay ng bigas ang mga rice traders, mapa local produced man o smuggled.
Ginawa ng kalihim ang hakbang kasunod ng kaniyang banta na pananagutin sa batas ang sinumang magpapalitaw na may kakulangan ng suplay ng bigas.
Kasunod nito, muling iginiit ng kalihim na kaniyang irerekumenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatatag ng Task Force hinggil dito na kaniyang pamumunuan.
By: Jaymark Dagala