Inirekomenda ng Rizal Provincial Police Office sa land Transportation Office na tanggalan ng lisensya ang mga pasaway o “Kamote rider” Sa Marilaque kasunod ng pagkasawi ng isang rider matapos itong mabunggo habang ginagawa ang isang motorcycle stunt.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Police Colonel Felipe Maraggun, Provincial Director ng Rizal Provincial Police Office, na pinag-aaralan na rin ng pamahalaang panlalawigan ang isang ordinansa, na naglalayong maibsan ang aksidente sa nasabing lugar.
Humihirit din ang Rizal PPO sa Department of Public Works and Highways na maglagay ng ramble strip, warning signages, CCTV at street lights upang bagalan ng mga motorista ang kanilang takbo sa kahabaan ng marilaque.
Aminado na naman ang Colonel Maraggun, na hindi pa rin sapat ang pagde-deploy lang ng mga pulis, para mabantayan ang marilaque highway, lalo na’t aabot ito ng 100 kilometers mula Marikina hanggang sa probinsya ng Quezon.