Pinakikilos na ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Guillermo Eleazar ang lahat ng kaniyang mga Regional at Provincial Directors.
Ito’y para makipag-ugayan sa Department of Health para sa pagtukoy sa mga Police Camps na maaaring gamiting vaccination sites.
Ginawa ni Eleazar ang kautusan matapos ang naging pahayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez na idaos sa mga Kampo Militar at Pulisya ang pagbabakuna sa mga nasa A4 priority sector.
Naniniwala ang PNP Chief na magandang lugar ang mga kampo na pagdausan ng pagbabakuna dahil maluwag ito at akma sa itinatakda ng health protocols.
May sapat din aniyang lugar ang mga kampo ng AFP at PNP para magsilbing imbakan ng bakuna dahil maluwag ang paligid nito. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)