Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na hindi sila magpapatupad ng “No vaccine, No entry” policy sa mga kampo ng Pulisya sa buong bansa.
Ito’y ayon kay PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos ay dahil sa malalabag nito ang karapatang pantao ng mga taong may katanggap-tanggap na dahilan kung bakit hindi pa sila bakunado kontra COVID-19.
Giit ni Carlos, papapasukiin pa rin ang mga hindi bakunadong indibidwal sa mga kampo kung saan ay isasailalim sila sa screening, antigen test at paaalalahanan na sumunod sa Health Protocols
Paliwanag ng PNP Chief, iba ang No Jab, No Duty na ipinatutupad sa kanilang mga tauhan kaya hindi nila maaaring pigilan ang mga ito sa pagkuha ng kanilang serbisyo.
Kabilang na riyan ang pagpoproseso sa kanilang license to own and posses firearms, lisensya at permit para sa mga Security Guard gayundin ang clearance sa mga sasakyan mula sa Highway Patrol Group. —sa panulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)