Pinaghihinay-hinay ng Korte Suprema na tumatayo bilang P.E.T. O Presidential Electoral Tribunal ang mga kampo nila Vice President Leni Robredo at dating Senador Bongbong Marcos sa pagbibigay ng anumang komentaryo sa media o publiko.
Ito’y kaugnay sa nalalapit na pagsisimula ng revision process hinggil sa inihiang electoral protest ni Marcos laban kay VP Leni kasunod ng inihaing Motion to Withdraw ng magkabilang panig sa mga nakahaing petisyon na magpapaantala sa inaasahang manual recount ng mga balota.
Kasbabay nito, inatasan ng P.E.T. ang kampo ng dating Senador na magsumite ng kanilang tugon sa loob ng 10 araw kaugnay ng inihaing petisyon ng kampo ni Robredo.
Magugunitang itinakda sa Marso 19 ang manual recount ng mga balota mula sa tatlong lalawigan na tinukoy ng kampo ni Marcos kung saan, uunahing bilangin ang mga kinukuwesyong boto mula sa Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Bert Mozo
Posted by: Robert Eugenio