Pagbabawalan na ang mga kandidato o pulitiko na makisakay sa 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng gobyerno tuwing mayroong cash distribution.
Ayon kay Social Welfare Secretary Corazon “Dinky” Soliman, hindi na pahihintulutang magtalumpati ang mga pulitiko sa harap ng mga benepisyaryo ng 4PS upang hindi ito magamit sa kampanya.
Ipinaliwanag ni Soliman na ang 4PS ay proyekto ng gobyerno at hindi ng mga pulitiko.
Dagdag ng kalihim, dapat hintayin ng mga kandidato o pulitiko na matapos ang pamamahagi ng cash subsidy, maka-uwi ang mga personnel ng DSWD at humingi ng pahintulot bago mag-talumpati.
By: Drew Nacino