Nagbabala ang Intellectual Property Office of the Philippines o IPOPHL sa mga kandidato para sa nalalapit na halalan hinggil sa mga kanta o artworks na copyrighted at kanilang ginagamit sa kanilang pangangampanya nang walang permiso mula sa orihinal na lumikha ng mga ito.
Ayon kay Josephine Santiago, Director General ng IPOPHL, ang pinakamahalagang kailagan sa mga nabanggit na uri ng sining ay ang permiso mula sa may-ari nito.
Dapat aniyang matiyak muna ng mga kandidato ang permiso o lisensya mula sa lumikha ng kanta o materyal na nais nilang gamitin bilang bahagi ng kanilang pangangampanya o kadalasa’y ginagamit sa kanilang mga campaign jingle.
Maaari aniyang managot ang sinumang kandidato na lalabag sa karapatang moral at ekonomiko ng mga copyright owner.
—-