Hindi sinusunod ng ilang kandidato ang guidelines na inilabas ng COMELEC lalo na sa physical contacts gaya ng pakikipagkamay at selfie na bawal dahil mayroong pandemya.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Special Medical Adviser Dr. Ted Herbosa, ang mga ganitong aksiyon ay peligroso at posibleng makahawa ng COVID kaya dapat ay pinapaalalahanan ng mga Campaign Manager ang kanilang mga kandidato na sundin ang mga paghihigpit na inilabas ng COMELEC.
Dagdag pani Herbosa isa sa mga hinding-hindi nasusunod sa mga rallies ay ang social distancing at hindi na alam kung ang mga dumadalo sa kampanya ay mga bakunado o hindi.
Samantala, muling ipinaalala ng NTF Special Adviser na hindi pa COVID free ang bansa kaya dapat isa-isip ng mga kandidato at mga botante na kailangan pa ring mag-ingat dahil nananatili ang peligro ng COVID-19. – sa panulat ni Mara Valle