Pinaalalahanan ng Comelec ang mga kandidato ang patuloy na pagbabawal nila sa mga electronic billboard.
Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, dapat maghain muna ng petisyon sa kanilang tanggapan ang mga kandidatong nais gumamit ng electronic billboard sa kanilang kampanya.
Tinukoy ni Guanzon ang paglalagay ng mga kandidato sa mga naglalakihang electronic billboard sa mga gusali at mga sasakyan.
Kapag nabigyan ng notifications sinabi ng Comelec na mayruong hanggang tatlong araw ang mga kandidato para alisin ang kanilang campaign materials sa mga electronic billboard.