Pinapaalalahanan ng Filipino Society of Composers, Authors, and Publishers (FILSCAP) ang mga kandidato na ang paggamit ng mga copyrighted na kanta para sa campaign jingles, live man o recorded, ay nangangailangan ng lisensya mula sa copyright holder.
Ayon sa FILSCAP, required ang pagkuha ng lisensya kung gagamitin ang mga kanta bilang background music, bago o pagkatapos ng event, at itinuturing na public performance kung gagamitin ang kanta para sa isang special number.
Kailangan din ang pagkuha ng lisensya mula sa copyright holder kung papalitan ang lyrics ng kanta para sa campaign jingle at iba rin ang application kung ire-record ang nasabing kanta.
Applicable ang mga panuntunang ito, local man o foreign ang gagamiting kanta.
FILSCAP lamang ang tanging organisasyon na accredited ng IPO para mag-isyu ng lisensya sa paggamit ng copyrighted songs, at maaring mag-apply sa pamamagitan ng kanilang email na licensing@filscap.com.ph o tumawag sa numerong 7005-1282.
Uulitin ko po, para sa mga gustong mag-apply para sa lisensya ng copyrighted songs, mag-email lamang po sa licensing@filscap.com.ph o tumawag sa numerong 7005-1282.