Dadaan sa butas ng karayom ang mga kandidatong naghain ng COC para sa 2022 National Elections.
Tiniyak ito muli ni Comelec spokesperson James Jimenez sa pagsisimula nang pagsala nila sa mga kakandidato sa susunod na eleksyon.
Kabilang dito aniya ang halos isandaang gustong maging Pangulo ng bansa, 28 vice presidentiables at 175 senatoriables.
Sinabi ni Jimenez na tinututukan nila sa pagsala sa mga kandidato ang campaign strategy, plataporma at iba pa.
Kasabay nito, ipinaalala muli ni Jimenez ang Nobyembre 15 deadline para sa substitution.