Tututukan ng Philippine National Police (PNP) ang mga kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections na may kaugnayan sa sindikato ng iligal na droga.
Ayon kay P.N.P. Spokesman, Chief Supt. John Bulaacao, titiyakin nilang hindi ma-i-impulwensyahan ng drug money ang eleksyon sa Mayo 14.
Suportado anya ng P.N.P. ang posibleng ipatupad na random drug testing sa mga kakandidato sa nasabing halalan.
Batay sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), 289 na barangay officials ang nasa narco-list ng Pangulo kabilang ang 143 Barangay Chairman at 146 na kagawad.
-Jonathan Andal