Sa bunutan mauuwi para matukoy kung sino ang mananalong alkalde ng Bocaue bulacan.
Ito ay makaraang magtabla sina Liberal Party bet Joni Villanueva at independent candidate Jim Valerio na kapwa nakakuha ng 16,694 na boto.
Batay sa COMELEC resolution number 100-83, idadaan sa bunutan kapag may kandidatong nagtabla sa boto.
Matatandaang noong 2013 nang nauwi sa toss coin ang mga tumatakbo sa pagka-alkalde sa San Teodoro Mindoro makaraang nagtabla din sa boto ang mga kandidato doon.
By Ralph Obina