Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na committed dapat ang mga kandidato sa pagkapangulo at pangalawang pangulo na dumalo sa COMELEC debates na magsisimula sa susunod na mga buwan.
Ginawa ito ni COMELEC spokesperson James Jimenez matapos tumangging dumalo si presidential aspirant Bongbong Marcos sa presidential interview ng isang TV network.
Ayon kay Jimenez, committed dapat ang kanilang pagdalo para sa mga botanteng boboto sa kanila.
Pero dagdag ni Jimenez, hindi naman ito required batay sa batas.
Mula Pebrero hanggang Abril gaganapin ang presidential debate bago ang may 2022 Elections. —sa panulat ni Abby Malanday