Isinalang na sa public interview ng Judicial Bar Council o JBC ang mga kandidato para sa mababakanteng pwesto bilang Associate Justice ng Korte Suprema.
Ang mababakanteng puwesto ay iiwan ni Associate Justice Arturo Brion na nakatakdang magretiro sa December 29, 2016.
Unang sumalang sa public interview si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta.
Kabilang sa mga isyung naitanong kay Acosta ay ang kanyang opinion sa Marcos burial at same-sex marriage.
Naitanong rin kay Acosta kung paano makakatiyak ang taongbayan sa kanyang pagiging independent gayung aminado ito na ang Pangulong Rodrigo Duterte ang humikayat sa kanyang mag-apply bilang Associate Justice ng Korte Suprema.
Sinundan si Acosta ng public interview kay Atty. Rita Linda Ventura Jimeno, Judge Rowena Apao-Adlawan at Justice Japar Dima Ampo.
By Len Aguirre