Bibigyan ng parusa ng Commission on Elections o Comelec ang sinumang kandidato na hindi dadalo sa nalalapit na presidential at vice-presidential debate na kanilang inorganisa.
Ayon kay Comelec acting spokesperson Socorro Inting, hindi na magagamit ng mga kandidato ang opisyal na E-rally channels ng Comelec sa buong election period, kung hindi ito dadalo sa debate.
Nakapaloob ito sa kasunduang inihanda ng comelec sa pagitan ng mga kandidato.
Samantala, magkakaroon ng walang empty podium ang kandidatong hindi lalahok sa debate.—sa panulat ni Abby Malanday