Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na konti lang ang mga kandidatong lumabag sa gitna ng kampaniya para sa 2022 elections.
Ito ay base sa naging obserbasyon ni Comelec Commissioner George Garcia, kasunod ng pagsisimula ng local campaign period noong Marso 25.
Ayon kay Garcia, sumunod naman ang mga lokal na kandidato hinggil sa kanilang pangangampaniya kaya’t kung mayroon mang mga paglabag ay hindi umano ito mabigat na problema sa ahensya.
Nanawagan naman si Garcia sa mga kandidato na patuloy na obserbahan at sundin ang ipinatutupad na minimum public health standards upang maging ligtas ang bawat isa laban sa COVID-19.
Nagpaalala din sa mga kandidato si Garcia na iwasan ang pagdikit ng ibat-ibang klase ng campaign materials sa mga pampublikong lugar dahil kanila din itong aalisin. —sa panulat ni Angelica Doctolero