Mahigpit na minomonitor ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang mga kandidatong nanliligaw sa mga rebelde para lamang manalo sa halalan.
Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo, kanila ring binabantayan ang mga hindi pa nilang pinapalanganang kandidato na nagbabayad anila ng permit to campaign at permit to win sa NPA.
Aniya, kanilang titiyaking hindi mananalo ang mga nasabing kandidato na humihingi ng tulong mula sa mga NPA.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng AFP sa intelligence unit ng pambansang pulisya maging sa iba pang intellegence unit ng gobyerno para matukoy ang mga kandidato kung mayroon silang track record na nagbibigay ng extortion money sa NPA sa mga nakalipas na panahon.
(With report from Jaymark Dagala)