Mahigpit na binabantayan ng DILG o Department of Interior and Local Government ang mga opisyal ng barangay na nagbabalak tumakbo para sa ikatlong termino.
Ayon kay DILG officer-in-charge Eduardo Año, hindi nila papayagang makapanungkulan ng mahigit sa tatlong termino sa iisang posisyon ang kandidato batay na rin sa itinatadhana ng local government code.
Sinabi pa ng kalihim na makabubuting huwag na lang tumuloy o kaya naman ay tumakbo na lamang sa iba pang posisyon ang sinumang kasalukuyang opisyal na nasa ikatlong termino na subalit nais pa ring sumabak sa darating na halalan.
Batay sa datos ng DILG mula sa 17 mga regional offices nito, aabot sa mahigit 8,000 ang mga punong barangay habang nasa mahigit 51,000 naman ang mga kagawad ang nasa ikatlong termino na sa kasalukuyan.