Walang nakikitang masama si Senador Juan Edgardo Angara sa pagtungo ng mga kandidato sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Lando para tumulong.
Sa halip intrigahin, sinabi ni Angara na dapat hikayatin ang mga kandidatong magbuhos hindi lamang ng relief goods sa mga biktima ng bagyo kundi maging ayuda sa lalo na sa mga magsasaka.
Ayon kay Angara sa Casiguran at dinalungan sa lalawigan ng Aurora ay halos isandaang bahay at imprastruktura ang nasira lalo nat hindi pa nakakabawi mula sa bagyong Labuyo ang mga residente rito.
Sinabi naman ni Senador Loren Legarda na dapat tanggapin ang lahat nang ibinibigay na tulong para sa mga naapektuhan ng bagyong Lando.
By: Judith Larino I Cely Ortega-Bueno (patrol 19)