Posibleng idiskwalipika ng Commission on Elections ang mga kandidatong gumagamit ng jingle ng mga artista at musikero nang walang pahintulot.
Ito mismo ang kinumpirma ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia matapos ibunyag ng lola amour na ginagamit ang kanilang kantang “raining in manila” bilang campaign jingle nang walang permiso.
Maliban sa disqualification, sinabi ni Chairman Garcia sa DWIZ, na maaaring sampahan ng kaso ang mga kandidatong lumabag sa mandato ng ahensya.
Binalaan naman ng Poll Body Chief ang mga kandidatong na iwasang magnakaw o mamirata upang hindi ma-disqualify sa 2025 midterm elections.