Ibinunyag ni President-elect Rodrigo Duterte na may mga kumandidato noong nakaraang eleksyon na pinondohan ng mga drug lord.
Nanalo pa, aniya, ang ilan sa mga ito dahil sa pera ng mga backer nilang sangkot sa iligal na droga.
Kaugnay nito, nagbabala si Duterte na kapag walang ginawa ang gobyerno sa isyu ng iligal na droga sa bansa, lalaganap ang narcopolitics o mga pulitikong sangkot sa droga.
Dahil dito, iginiit ni Duterte na hindi nito hahayaang manaig ang kalakaran ng droga hangga’t nasa gobyerno siya.
By: Avee Devierte