Binalaan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidatong may sobra-sobrang campaign advertisement sa mga social media platforms.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, kanilang tutugisin at sisingilin ang mga kandidatong labis ang pangangampanya gamit ang internet.
Gayunman, sinabi ni Jimenez na kanila pang masisimulan ang hakbang matapos ang halalan sa Mayo 13 at hahayaan muna ang mga kandidato na gamitin ang nais ng mga itong paraan ng pangangampanya.
Kasabay nito, binigyang-diin naman ni Jimenez na hindi nila trabaho na minu-minutong magbigay-paalala sa mga kandidato dahil dapat alam na ng mga ito ang mga patakaran sa pangangampanya.
—-