Nagbabala ang grupong Ecowaste Coalition hinggil sa mga kandilang may mataas na lead content.
Ayon kay Ecowaste chemical safety campaigner Thony Dizon, delikado lalo na sa mga bata kapag nalanghap ang usok na nagmula sa mga naturang klase ng kandila.
Bumili aniya sila ng ilang mga imported na kandila mula sa Binondo, Manila upang isailalim sa mga test at nakitang mayroon irong mataas na lead.
Inabisuhan din ng grupo ang publiko na bumili na lamang ng mga lokal na kandila.
Ang mga tinaguriang “toxic candles” ay ang mga kandilang nasa bote na may hugis na lotus at pinya na ibinibenta sa halagang 120 piso depende sa laki nito.