Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na umalis na sa Mindanao ang lahat ng mga sundalong Amerikanong nakabase roon.
Sa harap ng mga bagong talagang appointees ng Pangulo, ipinakita nito ang mga larawan ng Bud Dajo Massacre na kanyang inilatag nang magsalita ito sa ASEAN Summit sa Laos noong isang linggo.
Ayon sa Pangulo, ipinakikita aniya sa mga larawan ang walang awang paglapastangan ng mga Amerikano sa labi ng mga pinaslang nilang Moro sa Mindanao.
Dahil dito, sinabi ng Pangulo na makabubuti kung mawawala na sa Mindanao ang presensya ng mga Amerikano dahil lalo lamang lalala ang sitwasyon at malalagay sa balag ng alanganin ang Pilipinas.
By Jaymark Dagala