Inanunsiyo ng pamunuan ng University of Texas and Austin na kanilang inilagay bilang “elective subject” o maaring piliin o hindi bilang subjectang mga kanta ng singer-song writer na si Taylor Swift.
Sa pahayag ng Uta, kabilang na ngayon sa mga pag-aaralan ng mga estudyante ang mga kanta ni Taylor Swift na tatawagin bilang “The Taylor Swift Songbook.”
Magiging sentro ng pag-aaral ang literary critical reading at research method-basic skills kung saan, sa pamamagitan ng mga kanta ni Taylor Swift, mas matututukan ang pag-aaral sa theoretical issues at poetic form style na nakapaloob sa mga lyrics ng kanta ng award-winning singer-song writer.
Nabatid na sa ilalim ng kanyang mga greatest hit albums kabilang na ang kantang Red, Lover, Folklore at Evermore, mas maraming mag-aaral ang magiging interesado sa kanilang pag-aaral kung saan, napuno na ang slots para sa mga etudyante.
Samantala, nagpaalala naman ang pamunuan ng Uta na ang mga hindi nakahabol ay maaring mag-enroll sa susunod na sem.