Malapitan na ang paggamit ng military ng kanyon laban sa mga nalalabing miyembro ng ISIS-Maute sa Marawi City.
Ayon kay Maj. Romeo Ducay ng Philippine Marine Corps, ginagamitan na nila ng direct fire sa pamamagitan ng 105 Milimeter Howitzer artillery gun ang mga pinagtataguang gusali ng mga terorista.
Gayunman, iniiwasan anya nilang matamaan ang mga Mosque kaya’t gumamit naman sila ng mga drone maging ang mga guided bomb ng FA-50 Fighter Jet.
Nasa 300 pang gusali ang hindi pa napapasok sa ngayon ng militar mag-iisang buwan simula nang sumiklab ang bakbakan.
SMW: RPE