Nag-aantay ng derektiba ang Manila Police District (MPD) mula sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) hinggil sa utos na ipatigil ang pag-aresto sa mga napalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Ayon kay MPD Chief Police Brigadier General Vicente Danao, sa ngayon ay nakaantabay lang muna ang lahat ng kapulisan at tracker team sa lungsod.
Inatasan niya ang mga ito na huwag munang magsagawa ng pag-aresto hangga’t walang go signal.
Nakiusap naman si Danao sa mga heinous crime convicts na hindi pa sumusuko na magkusa na lamang para maiwasan ang madugong enkwentro. — ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)