Maaaring tumayo bilang testigo ng DOJ o Department of Justice ang ilang kapwa akusado ng negosyanteng si Peter Lim na itinuturong bigtime supplier ng droga sa rehiyon ng visayas.
Ito ang ipinahiwatig sa DWIZ ng isang opisyal ng DOJ na tumangging magpakilala na nagsabing malaki ang posibilidad na may mga kawpa akusado si Lim na tetestigo laban dito.
Isa aniya dito ay ang tauhan ng mga Espinosa na si Marcelo Adorco na naaresto sa isang buy-bust operation sa Albuera, Leyte noong Hulyo 8 kung saan, idinawit nito sa kaniyang affidavit sina Peter Lim at Peter Co na supplier ng droga ng mga Espinosa.
Una nang tinukoy ng CIDG o Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police (PNP) na iisang tao lamang ang negosyanteng si peter Lim na numero unong supplier ng illegal drugs sa Visayas at ang humarap noon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa unang mga buwan nito sa panunungkulan.