Inabisuhan na ng Department of Health (DOH) ang lahat ng pasaherong nakasalamuha ng dalawang kumpirmadong kaso ng Omicron variant ng COVID-19 na mag-monitor ng mga posibleng sintomas.
Isa sa mga tinamaan ng Omicron ay balikbayan mula Japan na umuwi noong December 1 via Philippine Airlines flight NPR 0427.
Ang isa naman ay Nigerian na dumating noong November 30 via Oman Air flight WY 843.
Pinayuhan din ng DOH ang mga pasahero na agad makipag-ugnayan sa Barangay Health Emergency Response Teams sa kani-kanilang lugar kung mapapansin ang mga sintomas ng COVID-19.