Dumating na sa Cagayan de Oro ang mga karagdagang relief goods para sa mga biktima ng magkakasunod na lindol sa Mindanao.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), umaabot sa 45 toneladang mga relief goods ang naibiyahe ng kanilang barko mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Central Visayas.
Kabilang anila sa mga nabanggit na relief goods ang mga food packs, canned goods, trapal, at malong.
Mula naman sa Macabalan port Cagayan de Oro, ibiniyahe ng mga truck ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga relief goods patungong Cotabato at Davao del Sur.
Una na ring naipadala ng DSWD Western Visayas noong Sabado, Nobyembre 2, ang mga family food packs para sa may 3,000 pamilya.