Masusundan pa ang mga gagawing pagbubunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa mga personalidad na sangkot sa operasyon ng iligal na droga sa bansa
Ito ang inihayag ni Solicitor General Jose Calida matapos hubaran ng maskara sa publiko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Tatlong pinakamalalaking drug lord sa bansa at ang Heneral na protektor nito
Ayon kay Calida, itinuturing na Persons of Interest na ang kanilang tinututukan tulad ng mag Chinese Nationals, mga opisyal ng PNP, Bureau of Jail Management and Penology at Local Government Units
Ngunit nang tanungin kung kailan ito ihahayag ng Pangulo, sinabi ni Calida na abangan na lamang sa mga susunod na araw
By: Jaymark Dagala