Ang pangangati ng balat ay mayroong iba’t-bang uri. May sakit sa balat na bahagya lamang ang epekto habang ang iba ay posibleng lumala.
Maari ringng magdulot ang pangangati ng balat ng impeksyon na dala ng bacteria, virus at fungi habang ang iba ay posibleng dulot ng allergy.
Gayunpaman, narito ang karaniwang sintomas ng sakit sa balat:
- Namumula o namamagang bahagi ng balat
- Sumasakit o humahapding balat
- Natutuyo at gumagaspang na bahagi ng balat
- Nagsusugat o nagnanana na bahagi ng balat
- Nangangating balat
Sakaling makaranas ng mga ito ay dapat na magpakonsulta sa doktor para sa gamot at pampahid na maaaring ilagay. – sa panulat ni Ariam Sancho