Naghahanda na ang ilang karaoke bars at clubs sakaling mailagay sa Alert level 2 ang NCR.
Batay sa IATF guidelines, sa ilalim ng Alert level 2 ay papayagan ang indoor entertainment venues gaya ng karaoke bars, clubs, concert halls, at mga sinehan na mag-operate sa 50% on-site, venue o seating capacity.
Bukas din ito sa fully vaccinated individuals at mga pinapayagang lugar ng lgu’s.
Upang maiwasan ang pagkalat ng virus, ilang mga negosyante ay naglagay na ng partitions at acrylic dividers sa kanilang karaoke rooms at may itatalaga na ring safety designated officer upang paalalahanan ang mga kustomer sa bagong sistema.
Ang mga establisyemento naman sa Quezon City ay inoobligang maglagay ng exhaust system at air purifiers.
Samantala, binigyang diin naman ng DOH-NCR na dapat na nasusunod ang health standards sa lahat ng pagkakataon upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. —sa panulat ni Hya Ludivico