Paiimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte pagkatapos ng bakbakan sa Marawi City kung paano nakaipon ng maraming armas ang Mautie-ISIS terror group .
Ito ay sa harap na rin ng obserbasyon kung bakit tila hindi nauubusan ng bala at armas ang mga teroristang patuloy na nakikipagbakbakan sa mga tropa ng pamahalaan.
Sinabi ng Pangulo na nakapagtatakang nakikipagsabayan pa rin ang mga teroristang grupo sa bakbakan sa mga sundalo kahit mahigit isang buwan na ang mga ito na lumalaban sa mga sundalo.
Malinaw aniya na pinaghandaan ng husto at nakapag-imbak ng sapat na armas ang mga teroristang lumusob at naghasik ng karahasan sa Marawi City.
Nais malaman ni Pangulong Duterte kung sino sa mga taga-Marawi ang nakipagsabwatan sa mga Maute-ISIS para makapag-imbak ng mraming armas sa kanilang lungsod.
By: Aileen Taliping
Mga kasangkot na taga-Marawi sa Maute-ISIS pinaiimbestigan ng Pangulo was last modified: July 2nd, 2017 by DWIZ 882