Inihahanda na ng NBI ang mga isasampang kaso laban sa mga opisyal ng Kapa Ministry.
Kaugnay ito sa umano’y investment scam na kinasasangkutan ng nasabing grupo.
Ayon sa NBI, lumabag ang mga opisyal ng Kapa Ministry sa Securities Regulation Act matapos madiskubreng wala itong lisensya at may mga mapanlinlang na aktibidad.
Inamin ni NBI NCR Director Atty. Cesar Bacani na hindi pa makakasuhan ng Estafa ang Kapa Ministry dahil wala pa silang natatanggap na reklamo mula sa mga biktima.
Patuloy pa rin aniyang nakakatanggap ang mga miyembro ng 30 percent interest o tinatawag na blessing subalit naniniwala si Bacani na hindi ito magtatagal dulot ng pagsasara ng mga opisina.
Sinabi pa ni Bacani na pinapalabas ng grupo na donasyon ang kinukuha nila kahit na mga investments ito.