Dapat harapin pa rin ni Moro National Liberation Front o MNLF founding Chairman Nur Misuari ang paglilitis sa korte hinggil sa karahasang nangyari sa Zamboanga Seige, 3 taon na ang nakalilipas.
Ito’y ayon kay Senador Panfilo Lacson bagama’t nangako na si Misuari na tutulong sa Administrasyong Duterte upang maisulong ang kapayapaan sa Mindanao.
Sinabi ni Lacson, hindi dapat makalimutan na maraming sundalo at sibilyan ang nagbuwis ng buhay gayundin ang nawalan ng tahanan dahil sa ginawang paglusob ng grupo ni Misuari sa Zamboanga.
Sa panig naman ni Senador Gringo Honasan, Chairman ng Senate Committee on Peace and Reconciliation na dapat handa ang Pilipinas sa maaaring epekto ng hinahangad na kapayapaan hindi lamang sa Mindanao kundi maging sa buong bansa.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno