Inaasahang bababa ang mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa mga susunod na linggo.
Ito ay matapos na maitala ng OCTA Research ang pagbagal ng growth rate sa 50%.
Nasa 1.5 hanggang 1.6 naman ang naitalang reproduction number o bilang ng nahawaan ng isang kaso habang ang Average Daily Attack Rate (ADAR) naman ay nasa 3.6.
Ayon kay Octa Research Fellow Dr. Guido David, medyo bumabagal at nagiging stable na ang growth rate. Hindi na rin masyadong tumatas ang reproduction number kaya inaasahan nila na sa loob ng isa o dalawang linggo ay bababa na ang bilang ng mga kaso.
Samantala, bukod sa Metro Manila nakita rin ang pagtaas ng COVID-19 cases sa Cavite, Laguna, Rizal, Batangas, Pampanga, Benguet at ilang bahagi ng Western Visayas.