Posibleng umabot sa 1K kada araw ang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) pagtapos ng Halalan 2022.Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, maaari pa ring maging banta sa bansa ang ibang variants ng COVID-19 kahit nasa ‘low risk’ na ang Metro Manila.
Batay din sa kanilang pagtataya sakaling walang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay mananatili sa low risk ang NCR basta’t nag-iingat ang publiko.
Matatandaang nakapagtala ng 7% growth rate ng COVID-19 cases ang Metro Manila noong April 24 hanggang 30.