Umabot na sa alarming rate ang mga kaso ng pagmamaneho ng lasing.
Batay sa datos ng Land Transportation Office (LTO), naitala mula Enero hanggang Agosto ngayong taon ang nasa 402 road crash incidents, kung saan 353 na drayber ang nagpositibo sa impluwensya ng alcohol.
Sa nasabing bilang, 15 katao ang nasawi habang 232 ang sugatan.
Sinuspinde naman ng LTO sa loob ng 90 araw ang drivers license ng mga nasabing indibidwal habang nakabinbin ang pagpapalabas ng isang resolusyon na magpapataw ng mga kaukulang parusa.
Sa ilalim ng Republic Act 10856 o ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013, dapat na 0.05% lamang ang alcohol sa katawan habang nagmamaneho para maiwasan ang mga kaso kaugnay rito.
Pinaalalahanan naman ng LTO ang publiko na ang pagmamaneho sa ilalim ng impluwensya ng alcohol o ilegal na droga ay napapailalim sa civil and administrative sanctions and penalties.