Halos 3,700 kaso ng karahasan laban sa kababaihan at kabataan ang naitala ng Philippine National Police (PNP) mula nang ipatupad ang community quarantine noong Marso 16.
Nakasaad ito sa report ng Pangulong Rodrigo Duterte na isinumite sa kongreso.
Batay sa report ng Pangulo, halos 2,000 sa naturang bilang ang naitalang karahasan laban sa kababaihan samantalang mahigit 1,700 kaso naman ang sa mga bata.
Tiniyak ng Pangulo sa kongreso na tuloy-tuloy ang pagpapatupad sa violence against women referral system, isang mekanismo para patuloy na ma-monitor at mabawasan ang gender based violence.
Nakikipag-ugnayan na rin anya ang PNP women and children protection desks sa mga lgu’s upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga bata at mga babae lalo na sa panahong ito ng pandemya.