Balak silipin ng makapangyarihang Senate Blue Ribbon Committee ang magkahiwalay na kaso ng pagpatay sa Calolocan City bago at matapos ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon kay Senador Richard Gordon, Chairman ng komite, nais niyang malaman kung bakit tila usad pagong ang aksyon ng mga awtoridad sa mga naturang kaso kung saan, pito (7) ang nasawi.
Magugunitang isang buntis at tatlong kabataan ang patay ilang araw bago ang Bagong Taon dahil umano sa iligal na droga habang apat naman ang naitalang patay sa pamamaril ng riding in tandem noong Enero 2.
Giit ng Senador, may kapangyarihan ang komite na imbesitgahan ang nasabing kaso lalo na kung hindi naman ginagawa ng mga pulis ang tungkulin nito na mag-imbestiga.
By Jaymark Dagala | Cely Bueno (Patrol 19)