Ipinakakasa na ng UN Human Rights Council ang isang international investigation ukol sa sinasabing human rights abuses sa Ethiopia.
Nabatid na 21 ang pumabor habang 15 ang tumutol sa imbestigasyon kung saan ginawa ang botohan sa gitna ng nagaganap na karahasan sa naturang bansa.
Sa isang virtual session, binigyang-diin ni UN deputy right chief Nada al-Nashif na patuloy silang nakakatanggap ng “credible reports” hinggil sa umano’y mga paglabag sa mga karapatang pantao sa Ethiopia.
Nagbanta naman ang Ethiopian government na hindi ito makikipag-cooperate sa imbestigasyon ng UN.