Absuwelto na sa lahat ng kaso ang yumaong dating Supreme Court Chief Justice na si Renato Corona.
Ito’y makaraang ibasura ng Sandiganbayan 3rd Division ang mga kasong isinampa laban sa pumanaw na dating punong mahistrado.
Wala pang limang minuto inabot ang pagdinig ng korte sa inihaing motion to dismiss ng kampo ni Corona at hindi na kumontra pa rito ang prosekusyon.
Kabilang sa mga kasong nais ipabasura ng kampo ni Corona ay ang perjury at paglabag sa code of conduct and ethical standards for government officials and employees.
By Jaymark Dagala