Tuloy ang paglilitis ng Sandiganbayan Third Division sa kasong kinakaharap ni dismissed Makati City Mayor Junjun Binay.
Si Binay ay nahaharap sa kasong graft at falsification of public documents dahil sa maanomalyang konstruksyon ng P2.2-billion Makati Car Park Building.
Sa inilabas na resolusyon, nakitaan ng probable cause ng Anti-Graft Court si Binay dahil siya ang pinuno ng procuring entity na Hope, na siyang may responsibilidad na suriin ang mga ipinasang dokumento ng bids and awards committee.
Itinakda ng korte ang arraignment kay Binay sa Mayo 18, ala-1:30 ng hapon.
By Meann Tanbio | with report from Jill Resontoc (Patrol 7)
Mga kaso vs. Junjun Binay nakitaan ng probable cause was last modified: April 20th, 2017 by DWIZ 882