Ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong malversation na isinampa laban kay dating Batangas Governor Antonio Leviste
Kaugnay ito sa mga unliquidated cash advance ng dating Gubernador sa kaniyang mga biyahe sa labas ng bansa nuong 2004
Sa anim na pahinang resolusyon ng 5th Division ng Anti-Graft Court, walang misappropriation sa mahigit Isandaan at Limamput Isang Milyong Pisong pondo kaya’t walang pananagutan dito ang dating Gubernador
Magugunitang inakusahan ng Ombudsman si Leviste na umabuso sa kapangyarihan nang nakaupo pa ito bilang chairman ng Philippine retirement authority sa pamamagitan ng mga biyahe nito sa ibayong dagat at pagkontrol umano sa pondo ng ahensya
By: Jaymark Dagala / Jill Resontoc